Featured

“Voices From The Past”

I wish this time, it would be fast;

Fade away in the injuries inside a cast.

Voices from the past;

Started back when I became an outcast.

I’m upset and I don’t know why.

These sudden burst of feelings, making me cry.

Wishing for myself to die.

I want to end me, but I don’t want to try.

“Don’t keep all your feelings sheltered – express them. Don’t ever let life shut you up.”

— Dr. Steve Maraboli

“Hopeless”

I remember all my strategies
Drowning from all these memories
Poisoned through my arteries.
~
All of these were misfortune
Just like a suffering cartoon
And a guitar that’s out of tune.
~
I’m not here to impress
I just want to express
I’m all alone in my fortress.
~
But I never realized
My personality that’s vandalized
I’ve been deeply traumatized.
~

My love is in the air,
Like nobody cares.
I really felt that its unfair.
~
I want to come close to you,
But that’s what I can’t do.
I’m afraid, and that’s true.
~
I’ve been like this all the time.
I felt like love was a crime.
Never knew why I wanted you to be mine.
~
This feeling makes me sad.
Being jealous is really bad.
It makes people go really mad.
~
Broken hearts you’ll see.
Like grains of sand washed by the sea.
Hopeless to be happy.

“Please be with me”

I carelessly say words to you,
I never knew it might hurt you,
I just thought you’re treating me like a friend too,
But you love me, and I have no clue.

Initiating conversation, you say “hey.”
Asking me if your dress was okay.
You’re always making my day,
And you wanted me to stay.

I noticed, you want to hang out.
I said no and you tried to shout,
But then I covered your mouth.
Well, you’re cute when you pout.

Wait, what is this feeling?
When I saw you, my heart starts beating.
Wait, am I nervous or something?
Well, I’m bad at this kind of thing.

I see that you enjoy the time being with me.
I also enjoy it and I’m so happy
But I still don’t know if you’re in love with me.
But I’m starting to like you, please be with me.

“Bakit ba ako TANGA!?”

Lagi na lang akong nasasaktan
Kahit wala namang karapatan
Yung taong nais mong makamtan
Dapat na atang tantanan
~
Bibigyan ko kayo ng dahilan
Sana ay maintindihan
Di ka man lang gustong madatnan
Mahal mong lagi kang sinusungitan
~
Dapat pa kayang magmahal
Idaan ko na lang kaya sa dasal
Pag-ibig na may butal
Dapat ay iyong iusal
~
Sa gayon ay mapagtanto
Kung ano dapat ang sa iyo
Magkulong ka na lang sa kwarto
Sabay iyak ng todo
~
Kung hindi siya para sayo
Wag kang magpagulo
May taong nakatakda para sa iyo
Huwag na huwag kang susuko

Ang unan na puno ng luha
Puno din ng mga alaala
Taong sa iyo’y mahalaga
Sa isip ay dapat mawala

Gustong makalimot
Pag-ibig na ipinagdamot
Mayroon bang gamot
Upang di na mayamot

Pusong durog
Laging nahuhulog
Sa iyong iniirog
Puso mo’y handog

Sa likod ng mga ngiti
May nakatagong hikbi
Gustong magbigti
Dahil sa sobrang hapdi

Mundo ko’y nagunaw
Sira na ang aking araw
Di ako magkamayaw
Hustisya ang sigaw

Lalaking matino
Iyon ba ang hanap ninyo?
Sa mundong ito’y walang perpekto
Nakalulungkot ngunit totoo

Bakit ba ako nalilito?
Bitak bitak na ang aking puso;
Gustong malaman kung ano ang totoo;
Wag lang sanang masaktan pa ng todo;

Kung tutuusi’y walang kinalaman,
Ang sakit sa kalooban;
Bakit ba nasasaktan?
Bakit di mabiyayaan?

Lugi ba ako sa grasya?
O sadyang tatanga-tanga?
Inibig ko ng sobra,
Ngayo’y sarili’y durog na.

Kung iyong mamarapatin,
Wag na lang sanang damhin.
Di naman bibigyang pansin;
Di naman mamahalin.

Sa salamin iyong makikita,
Malulungkot na mga mata.
Ikaw lang ang makakapuna,
Wala nang iba.

Lagi na lang nag-iisa;
Lagi na lang nagdurusa;
Bigla na lang luluha,
“Bakit ba ako TANGA!?”

“Magulang”

“Hoy, yung inuutos namin sayo!”
“Di mo naman kailangan ‘to.”
“Wag kang magulo, ako’y nagtatrabaho.”
Iyan ba ang dapat mong marinig sa magulang mo?

Bakit nga ba ‘ko ganito?
Bakit nga ba ‘ko naririto?
Bakit ba ‘ko nabuhay sa mundo?
Nasasaktan, nalulungkot, nanlulumo.

Heto ako, di ko kilala kung sino ako.
Sa mga dinanas ko sa buhay ko
Kahit kailan, di niyo mapagtatanto
Ang halaga ko sa mundong ‘to.

Laging nasasaktan, hindi ko talaga malaman
Akala nila, ako’y nagtatamad-tamaran.
Mga hinihiling ko’y di mapagbigyan
Hindi nila makita ang aking kakayahan.

Mula pa noon, sa aking pagkabata,
Sermon, lait, mga masasakit na salita
“Ikaw bata ka, di madala-dala!”
Mumunting pagkakamali na laging itinatama.

Ako’y nawawalan ng gana
Kaibigang tatalikuran ka
Sa paaralan, lalo pa itong nagpalala
Kung saan ang habol mo’y mataas na marka

Kapag ang marka ko’y bumaba
Ako’y biglang nababalot ng kaba
Nagtatalukbong ng kumot sa kama
Sigurado kasi ako, galit nanaman sila.

Pangarap kong tila lumalabo
Interes ko sa mga bagay’ tila naglalaho
Buti nga’t di pa ko nalulong sa bisyo
Ngunit ang isip ko pa din ay gulong gulo

Pakiramdam ko’y wala na ‘kong pag-asa
Lahat ng mga malas, isa daw biyaya
Ang mga ideya ko’y wala namang napala
Heto ngayon, idadaan ko na lamang sa tula

“Luha”

Ang iyong nakaraan
Dapat mo pa bang balikan
Huminto ka muna at iyong pag-isipan
Baka ikaw lamang ay masaktan

Kung ito’y iyong susuriin
Hindi ka man lang niya pinapansin
Sulat mong di man lang kayang tanggapin
Sa pag-ibig na ito, isa kang alipin

Kung naging kayo man
Baka ikaw lang din ay kanyang iwan
Masasayang ang iyong pinaghirapan
Di mo naman siya makakamtan

Sa malikot mong imahinasyon
Nasasayang ang mga panahon
Hindi ka kaagad nagtapat noon
Kaya iyan, nasaktan ka ngayon

Di ko inakala na ako’y masasaktan
Puso ko ngayo’y sugatan
Sa isipan ko’y di mapakawalan
Luha sa mga mata’y dapat nang punasan

“Inevitable”

At first, I thought it was easy

But no, it’s not, it was hazy

Its definition was more than what was in a dictionary

It was truly an anomaly

Sometimes you have to fail

Or maybe you’ll have to bail

Learn how to weigh on a scale

Never focus on what you would avail

Anytime, anything can happen

Some feelings will soften

Others will be broken

But most relationships should strengthen

Given the chance to be in-love

I was free, just like a dove

Flying free somewhere up above

But somewhat restricted like a tight glove

I guess this was a variable

Most of the time, I was vulnerable

But now, it’s acceptable

Love is inevitable

Design a site like this with WordPress.com
Get started