
Lagi na lang akong nasasaktan
Kahit wala namang karapatan
Yung taong nais mong makamtan
Dapat na atang tantanan
~
Bibigyan ko kayo ng dahilan
Sana ay maintindihan
Di ka man lang gustong madatnan
Mahal mong lagi kang sinusungitan
~
Dapat pa kayang magmahal
Idaan ko na lang kaya sa dasal
Pag-ibig na may butal
Dapat ay iyong iusal
~
Sa gayon ay mapagtanto
Kung ano dapat ang sa iyo
Magkulong ka na lang sa kwarto
Sabay iyak ng todo
~
Kung hindi siya para sayo
Wag kang magpagulo
May taong nakatakda para sa iyo
Huwag na huwag kang susuko
Ang unan na puno ng luha
Puno din ng mga alaala
Taong sa iyo’y mahalaga
Sa isip ay dapat mawala
…
Gustong makalimot
Pag-ibig na ipinagdamot
Mayroon bang gamot
Upang di na mayamot
…
Pusong durog
Laging nahuhulog
Sa iyong iniirog
Puso mo’y handog
…
Sa likod ng mga ngiti
May nakatagong hikbi
Gustong magbigti
Dahil sa sobrang hapdi
…
Mundo ko’y nagunaw
Sira na ang aking araw
Di ako magkamayaw
Hustisya ang sigaw
…
Lalaking matino
Iyon ba ang hanap ninyo?
Sa mundong ito’y walang perpekto
Nakalulungkot ngunit totoo
Bakit ba ako nalilito?
Bitak bitak na ang aking puso;
Gustong malaman kung ano ang totoo;
Wag lang sanang masaktan pa ng todo;
…
Kung tutuusi’y walang kinalaman,
Ang sakit sa kalooban;
Bakit ba nasasaktan?
Bakit di mabiyayaan?
…
Lugi ba ako sa grasya?
O sadyang tatanga-tanga?
Inibig ko ng sobra,
Ngayo’y sarili’y durog na.
…
Kung iyong mamarapatin,
Wag na lang sanang damhin.
Di naman bibigyang pansin;
Di naman mamahalin.
…
Sa salamin iyong makikita,
Malulungkot na mga mata.
Ikaw lang ang makakapuna,
Wala nang iba.
…
Lagi na lang nag-iisa;
Lagi na lang nagdurusa;
Bigla na lang luluha,
“Bakit ba ako TANGA!?”